Home – Tagalog

Latest Post

Ang Pamumuno sa Bagong Tipan (1) – Ang Wastong Pamumuno ayon sa Salita ng Diyos

Kamakailan, mayroong isang pagtuturong lumalaganap sa kalagitnaan ng mga banal at mga ekklesia na ginagamit nang mali at minamasama ang bagay ng awtoridad at mga kinatawang awtoridad. Itinataguyod ng ilang mga manggagawa ang isang estrukturang herarkiya ng awtoridad kung saan ang Diyos ang awtoridad, ang mga kamanggagawa ang kinatawang awtoridad sa ilalim ng Diyos, ang mga matanda ng mga ekklesia ang mga itinalagang awtoridad sa ilalim ng mga kamanggagawa, at ang mga banal sa mga ekklesia ay napasasailalim sa mga matanda. Ito bang pagtuturo ng herarkiyang pamumuno ay isang malusog na pagtuturo o isang hangin ng pagtuturo?

Panimula

Malugod ka naming tinatanggap sa website ng Healthy Teaching ang pariralang malusog na pagtuturo ay batay sa mga sinulat ni Pablo sa pagtatapos ng kanyang ministeryo, isang panahon nang ang mga ekklesia ay nasa kalakaran ng pagkababa, at maraming ekklesia ang tumalikod sa kanya. Nang panahong iyon, ang dibinong Salita, at sa partikular, ang malusog na pagtuturo, ang panlunas ni Pablo upang tuusin ang pagtalikod sa katotohanan at kaguluhan sa ekklesia.

Ang malusog na pagtuturo ay ang nilalaman ng Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos. Dalawang elemento ang ipinahihiwatig ng malusog. Sa positibong panig, mayroong nagpapakaing elemento (1 Tim. 4:6), na naghahain ng buhay at punô ng espiritwal na panustos. Sa negatibong panig, mayroong isang elementong pumapatay ng mikrobyo, na gumagawa laban sa mga espiritwal na suliranin at sakit. Ang ating kabigatan sa ating mga sinulat sa websitena ito ay ang ilahad ang isang gayong salita, na kapwa nagpapakain at nagbabakuna para sa espiritwal na kalusugan ng mga banal at mga ekklesia.